College Techno Forum
WELCOME TO TROPANG JRU FORUM SITE! PLEASE LOGIN OR REGISTER NOW! THANK YOU!


The Official Forum Site of the tropang jru
 
HomeMemberlistUsergroupsGallerySearchFAQRegisterLog inCalendar

Share | 
 

 Napakalaking sweldo

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
ubeholicx
Global Moderator
Global Moderator
avatar

Posts : 72
Forum Points : 2615
Reputation : 3
Join date : 2010-12-12
Age : 24
Location : Kanazawa, ishikawa Prefecture, Japan

PostSubject: Napakalaking sweldo   Fri Dec 17, 2010 5:08 am

Si Juan na isang accountant ay napilitang mag apply ng trabaho sa isang maliit na kumpanya dahil matagal na siyang tambay.

Ngayon ang araw ng kanyang interview. Nalaman nya sa secretary na problemado ang may-ari ng kumpanya at sya ang mag-iinterview kay Juan.

May-ari: (mukhang problemado) Ahhh....Mr. Juan dela Cruz, please come in and have a seat.

Juan: Thank you very much, Sir! (medyo kinakabahan.)

May-ari: Alam mo, talagang kailangang-kailangan ko ng accountant ngayon dahil masyado na akong namomroblema sa dami ng aking mga iniisip dahil lumalaki itong kumpanya.

Gusto ko ng accountant para siya na ang mamroblema sa financials ng kompanya at handa ko syang paswelduhin ng sandaang libong piso bawat buwan.

Nagulat at natuwa si Juan dahil sa laki ng sweldong ibibigay ng may-ari. Kaya't sya'y nagpakitang gilas.

Juan: Kung gayon, handa po akong tanggapin kahit anong problemang nais nyong problemahin ko.

May-ari: Sige, tanggap ka na at pwede ka nang mag-umpisa sa lalong madaling panahon.

Juan: (Tuwang-tuwa) Sir, nagtataka lang po ako kung bakit kaya nyong magpasweldo ng ganoong kalaki gayong maliit lang po itong kumpanya natin?

May-ari: Yan ang una mong problema!
Back to top Go down
View user profile http://www.facebook.com/ubelovesyousomuchmore
 
Napakalaking sweldo
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
College Techno Forum :: Chitchat Section :: Joke Time-
Jump to: